magbasa sa mga istorya

Ang pagsalaysay ng mga kuwento  ay pinakamahalagang proyekto sa Mindanao

Ang barangay ng mga
Katutubo sa lumot.

Ang Bundok Apo ang pinakamataas na bundok dito sa Pilipinas. Itong bundok na ito ay may pinakamalawak na gubat. Nakapaligid dito sa bundok Apo at sa kagubatan ang mga taong katutubo o Lumad na namumuhay tulad ng mga taong Bagobo, Manobo at Boholano. At mayroon silang uri ng makalumang relihiyon gaya ng paniniwala sa ispiritu. Dahil dito ang ispirito ay pumapasok sa kanilang isipan at sa kanilang damdamin.
Ang Kidapawan City ang sentro ng aming proyekto. Ang Kidapawan city ay isa ring lugar na malapit sa bundok Apo. Ang dokumentong ito ay tungkol sa aming pagbibisita sa lugar ng Lumot na lugar ng mga Bagobo. Kaya nagdala kami ng mga aklat para sa mga bata, at ikwento sa kanila ng ibat-ibat uri ng kwento para sila ay matuto at masisiyahan.

Evacuation Center ng
Muslim sa Pikit.
 
Mula sa Kidapawan city,isa at kalahating oras bago pa dumating sa Pikit. Karamihan ay mga Muslim ang nakatira rito. Sa ibaft-ibang barangay sa Pikit ay may nagaganap na paglalaban ng mga Sundalo at MILF. Ngayon humigit sa limampung libo ang ngayoy nakatira sa Evacution center na malapit sa highway. Karamihan sa kanila ay mga magsasaka kasama ang buong pamilya. Ang hirap ng kalagayan nila dahil wala silang maayos na tirahan, kulang sa pagkain at medicina.
Ngayon ay nagsimula na kaming magbasa ng mga aklat para mabigyan ng katuwaan ang mga murang pag-iisip ng mga bata na nawalan o kulang sa kaligayahan.
Ang mga Bata SA Orphanage SA Sagop Foundation

Noong Hunyo 29, 2003 ay pumunta kami sa Orphanage doon sa balindog. Nang dumating kami doon, nakikita namin na napakabait talaga ng mga bata dahil nagmano sila sa mga nakakatanda at nakangiti ang kanilang mga mukha.