Ang mga Bata Sa Orphanage Sa Sagop Foundation

Noong Hunyo 29, 2003 ay pumunta kami sa Orphanage doon sa balindog. Nang dumating kami doon, nakikita namin na napakabait talaga ng mga bata dahil nagmano sila sa mga nakakatanda at nakangiti ang kanilang mga mukha. Nakikita rin namin sa kanila ang pagkamatulungin dahil tumulong sila sa amin sa pagbuhat ng mga aklat mula sa aming sasakyan papunta sa orphanage. Ang saya saya talaga nila.

by Irene

Nang sinimulan na namin ang aming pagbasa sa iba't-ibang aklat ay nakikinig naman sila ng maayos. At kung tatanungin nsmsn namin sila, ay sasagot naman ng maayos. Para sila ay hindi maantok ay pinasisiyahan namin sila sa pamamagitan ng pagkanta ng mga pambata, tulad ng "paa, tuhod, balikat, ulo" at sumunod rin sila ng mabuti. Nakikita talaga namin sa kanila na maganda ang pagkadala ng mga bata. Kaya siguro, napakabait nila.