ANG KALAGAYAN SA MGA BATA SA LUMOT
@@
Ikalawang beses na kaming nagbasa ng mga
kuwento doon sa baranggay Lumot, mga kuwentong
mula sa mga pambatang aklat na aming dala.
Pagdating namin doon ay nakita namin ang
kawawang mga bata, at bakas sa kanilang mga
mukha ang lungkot. Noong makita nila kami
masayang-masaya sila dahil nakita nila ang
maraming aklat na aming dinala. Gustong-gusto
nilang marinig muli ang aming mga kuwento,nakikita
namin ang matamis na ngiti sa kanilang mga
mata. Masaya rin kami dahil nakikita naming
masaya silang lahat pati na rin ang kanilang
mga magulang ay masaya rin para sa kanilang
mga anak.
Malayo sa lungsod ang baranggay lumot at
doon ay walang mga aklat na makikita. Gustong-gusto
nilang magbasa ng mga aklat at makita ang
iba't ibang uri ng mga larawan sa aklat.
Mahalaga sa amin na maramdaman nila ang tunay
na kaligayahan kahit mahirap lamang sila
at nakatira sa lugar na malayo sa lungsod.
Nakita nga namin na masaya sila dahil nakita
namin ang kanilang matamis na ngiti.
Doon sa baranggay Lumot makikita mo ang magandang
paligid, maraming punong kahoy at ibat-ibang
uri ng tanim,gaya ng mga gulay at prutas
kaya ang mga tao doon ay hindi nagugutom.
Nagpunta kami doon noong Feb.15,2003. Malayo
ang nilakad namin, inakyat namin ang mataas
na bundok, mahirap ang dinaanan namin, nakakapagod.
Pero pagdating namin sa itaas ng bundok ay
naramdaman namin ang sariwang simoy ng hangin,
at nakita namin ang kapatagan sa ibaba na
napapaligiran ng bundok. Doon kami natulog
ng isang gabi, at nakita namin ang liwanag
ng buwan at mga bituin tulad ng liwanag sa
mukha ng mga bata na amingnakikita. Narinig
namin ang ibat-ibang uri ng huni ng ibon.
Sa umaga, dumalo kami ng misa sa simbahan
at pagkatapos dinala nila kami sa busay kasama
namin ang ibang mga bata at mga magulang.
Masaya talaga ang mga bata pati na rin ang
kanilang mga magulang. Pagkahapon ay umuwi
na kami at nangako kami sa mga bata na babalik
kami sa susunod at magdadala kami muli ng
mga aklat. Narinig namin ang sigaw ng mga
bata na nagsasabing "Marami pong salamat
sa inyo, at maghihintay kami sa inyong pagbabalik."
Ang sarap pakinggan ang nagsisigawang mga
bata . Kaya, ang Mindanao Children's Library
ay pupunta sa kabundokan kung saan ang maraming
mga bata na nangangailangan ng tulong, dahil
malayo sa lungsod ang tinitirahan nila, at
hindi nakapag-aral. Karamihan sa kanila ay
hindi marunong magbasa. Kaya namin sila pupuntahan
at dalhan ng maraming mga aklat para turuan
sila kung paano magbasa ng aklat ,at magkuwento.
Ang MCL ay kusang loob na tumutulong sa mga
bata sa kabundokan para silang matutong magbasa
ng mga kuwento sa aklat. Hindi ang MCL ang
tutulong . Tayong lahat na nandito sa lungsod
ay tutulong din sa kanila . Masaya talaga
sila kapag nakita nila ang iba't ibang larawan
sa aklat na hindi pa nila nakikita . sila
ay nangangailangan ng tulong para ang kanilang
malulungkot na mga mata ay mabigyan na ng
liwanag at saya.