Ang Mindanao Childrenfs Library (MCL) ay binubuo ng tatlong bahagi. Ito ay ang Pagbabasa, Limbagan at ang Proyektong pangmedisina. Ang proyektong pangmedisina ay isang bahagi ng MCL ang pagbibigay ng medisina sa mga batang may deperensiya sa pangangatawan. Ang aming pinakamahalagang kilos ng MCL ay ang pagbabasa ng mga kuwento sa mga bata tuwing pupunta kami sa ibaft-ibang lugar lalong-lalo na sa lugar ng mga Muslim at Lumad. Ang MCL ay tutulong din sa mga bata sa pamamagitan ng pagbisita ng staff ng MCL sa lugar ng mga mahihirap at kung may makitang na batang may deperensiya sa pangangatawan. Pero tutulong lamang kami kung makita namin ang bata at makausap ang kanilang mga magulang.

Sa panahon ng bibisita kami sa ibaft-ibang baranggay at makipagkita sa mga batang Muslim at Lumad at kung mayroon man kaming makita na isang batang may problema sa katawan, tutulong kami ng buong puso at walang hinihinging kapalit. Hindi kami lalakbay upang maghanap ng mga batang may kapansanan kundi sa tuwing magkakaroon kami ng pagbabasa sa isang lugar at tutulong sa mga bata dahil ang organisasyong ito ay maliit lamang at kung gusto naming tumulong, tutulong kami ng boluntaryo lamang.

Isang araw nagpunta kami sa Pikit, lumalakbay kami sa paligid at makakita kami ng mga batang bungi. Ang mga batang ito ay ang mga kapatid nating Muslim at biktima pa sila sa nangyayaring kaguluhan sa Pikit. Kami rin ay nagpunta sa Cabangbangan lugar ng mga Lumad at nagkaroon kami ng pagbabasa ng mga kuwento sa mga bata at may isang batang nakita namin na may problema sa katawan at ang MCL ay gustong tumulong sa bata.

Nag proyektong pangmedisina ay isang proyektong tumutulong sa mga mahihirap sa bata at may mga kapansanan lalong-lalo na ang mga batang bungi. Hindi ito malaking organisasyon pero nagbibigay lamang ng medisina ngunit hanggang sa makaya lamang ng oraganisasyongito. Mas mahalaga sa organisasyong ito ang pagbabasa ng kuwento sa mga bata. Hindi ito isang misyon kundi isang proyekto lamang , isang maliit na proyekto. At hindi sa lahat ng panahon na ang MCL ay magbibigay ng medisina sa mga batang ito kundi may hakbang itong sinusunod sa pagsasagawa.

Supotahan namin ang mga batang ito dahil gusto naming tumulong at ang pagbabasa sa ibaft-ibang lugar ang mas mahalagang gawain sa organisasyong ito para makatulong kami hindi man sa materyal na bagay kundi pati narin sa damdamin ng mga bata dahil ang mga batang ito ay nangangailangan ng pansin at pagpapahalaga sa kanilang buhay. Ang mga damdamin nila ay puno ng takot at paghihirap na kanilang nadarama, sa kaguluhan na kanilang naranasan, sila ay kulang ng pansin nang kahit sino at nagtitiis din sila sa problema na dumarating sa kanilang buhay kahit silafy bata pa.

Ang Kabataan ang sentro ng gawaing tio. Kahit saan kami magpunta bata ang nauuna.