Ang
mga taong nitibo sa Pikit
Ni: Irene C. Matunog

]
Noong buwan ng Mayo 2003, pumunta kami sa Paggalungan Pikit. Yon ang una
kong pagbisita doon sa lugar na yon kasama ang mga staff sa MCL. Alas 8:00 ng
umaga nagsimula na kaming papunta doon sa Paggalungan Pikit. Akala kop malapit
lang sa Kidapawan pero malayo-layo rin pala.
Dumating kami doon alas 9:00 ng umaga. Isang oras ang biyahe namin sa
Private ride. Pagdating namin doon nagtaka ako kung bakit maraming mga bata ang
nag-aaral doon kahit na araw ang bakasyon at awang-awa ako sa kanila kasi wala
silang upuan at nakaupo lang sila sa lupa na nilagyan ng floormat at wala ring
ding-ding ang kanilang gusali. Nagtanong ako sa isang guro kung bakit wala
silang upuan, at wala ring maayos na gusali? Sabi niya mayroon daw silang
ipinatayo na maayos na gusali na paaralan at malapit na sana daw itong matapos,
pero may sumunog at hindi nila alam kung sino ang gumawa nito. Kaya nahihirapan
ang mga bata at guro dahil wala na yong gusali kasi sinunog na, kaya nakaupo
nalang yong mga bata sa lupa.
Tinanong ko rin kung bakit mayroon silang pasukan kahit araw ng bakasyon? Sabi niya, pinapaaral nila yong mga bata dahil wala silang maayos na pag-aaral noong panahon ng pasukan dahil apektado ang mga bata sa nangyayaring sunog sa kanilang paaralan. Kaya naawa kami sa sitwasyon ng mga bata.