May isang mahiwagang mangga , na may anim
napu’t isang gulang. Tinanim ito noong 1952, sa gilid ng paaralan ng Jose P. Laurel Primary
scchool. Habang itoy tumutubo , may nangyayaring hindi
makapaniwalaan.
Lumipas ang maraming taon , at ang mangga ay lumalaki , may mahiwagang nangyayari dito. Noong Mayo 5, 1985 8:oo p.m. may isang lalaki na dumaan malapit sa puno ng mangga ,huminto siya sa maliliit na kubo at umupo habang siya ay nagpapahinga at masayang nanonood ng maraming bituin at nakikinig sa huni ng mga hayop ng gabi sa paligid , ngunit biglang siyang nakaramdam ng malamig na simoy ng hangin na nagmula sa puno ng mangga , at nakarinig siya ng iyak ng ng bagong silang na sanggol, at dahil sa takot ay nanayo ang kanyang balahibo ,bigla siyang tumakbo papalayo sa puno ng mangga. Mayroon ding isang pipi na nakakita ng duwende na nakatira sa puno ng mangga .
Noong buwan ng Agosto 1995 ay may pagsusulit ng mga bata sa nasabing paaralan, at may dalawang mahiwagang bata na sumali na hindi nakita , nalaman nila ito sa pangalan na nakasulat sa papel nagngangalan na Sammy Lucia at Joel Bungo na may labing siyam na taong gulang , pero hindi nila ito kilala at walang nag-aaral na ganoon na pangalan sa paaralan na yon.
Mangga at umakyat sa ibabaw at umupo sa sanga at doon ay kumain siya ng tinapay at may iasang bata na hindi niya kilala nanghing Buwan ng Marso 1997, isang bata na nagngangalang Marietta ay pumunta sa puno ng i sa kanya ng tinapay pero hindi niya ito binigyan maya-maya biglang nawala ang batang babae , at si Marietta naman ay nag lalaro at nag iingay sa ibabaw ng punong mangga at nagalit yong nakatira sa puno ng mangga at biglang may sumampal sa kanya sa pag ?uwi niya sa kanyang bahay nagkasakit siya at dinala siya ng kanyang ina sa mangagamot, hindi alam ng mangagamot kong anong klasing sakit , bumalik nalang sila sa kanilang bahay tapos naalalani Marietta sa nangyari sa kanya ng puno ng mangga. Mabilis nila itong pinuntahan at nanghingi siya ng tawad sa nagawa niyang hindi mabuti, at bumalik siya sa bahay mayamaya nawawala ang kanyang sakit, masaya siya at hindi na niya ito muling gagawin pa sa puno ng mangga.
Matanda na itong punong mangga ngayon , kahit sa kanyang gulang na anim napu’t isang gulang pero walang pagbabagong nangyari dito.