Ang   Mahiwagang  Mangga

 

                            May isang mahiwagang mangga , na may anim napu’t isang gulang. Tinanim ito noong 1952,  sa gilid ng paaralan ng Jose P. Laurel Primary scchool.   Habang itoy tumutubo , may nangyayaring hindi makapaniwalaan.

                                 Lumipas ang maraming taon , at ang mangga ay  lumalaki , may mahiwagang nangyayari dito.  Noong Mayo 5, 1985  8:oo p.m. may isang lalaki  na dumaan  malapit sa puno ng mangga ,huminto siya sa maliliit na kubo at umupo habang siya ay nagpapahinga   at masayang nanonood ng maraming bituin at nakikinig sa  huni ng mga hayop ng gabi sa paligid , ngunit  biglang siyang nakaramdam ng malamig na simoy ng hangin na nagmula sa puno ng mangga , at nakarinig siya ng iyak ng ng bagong  silang na sanggol, at dahil sa takot  ay nanayo ang kanyang balahibo ,bigla  siyang tumakbo papalayo sa puno ng mangga.  Mayroon ding isang pipi na nakakita ng duwende na nakatira sa puno ng mangga .

                                 Noong buwan ng Agosto  1995  ay may pagsusulit ng mga bata sa nasabing  paaralan, at may dalawang mahiwagang bata  na sumali na hindi nakita , nalaman nila ito sa pangalan na nakasulat sa papel nagngangalan na  Sammy  Lucia  at Joel  Bungo na may labing siyam na taong gulang , pero hindi nila ito kilala at walang nag-aaral na ganoon na pangalan sa paaralan na yon.

                         mangga at umakyat sa ibabaw  at umupo sa sanga at doon ay kumain siya ng tinapay  at may iasang bata  na hindi niya kilala nanghing    Buwan ng Marso 1997, isang bata na nagngangalang Marietta  ay pumunta sa puno ng i sa kanya ng tinapay pero hindi niya ito binigyan  maya-maya biglang nawala ang batang babae , at si Marietta naman ay nag lalaro at nag iingay sa ibabaw ng punong mangga  at nagalit yong  nakatira sa puno ng mangga at biglang may sumampal sa kanya sa pag –uwi niya sa kanyang bahay nagkasakit siya  at dinala siya ng kanyang ina sa mangagamot,  hindi alam ng mangagamot kong anong klasing sakit , bumalik nalang sila sa kanilang bahay tapos naalalani Marietta sa nangyari  sa kanya ng puno ng mangga. Mabilis nila itong pinuntahan at nanghingi siya ng tawad sa nagawa niyang hindi mabuti, at bumalik siya sa bahay mayamaya nawawala ang kanyang sakit, masaya siya at hindi na niya ito muling gagawin pa  sa puno ng mangga.

Matanda na itong punong  mangga ngayon , kahit sa kanyang gulang na anim napu’t isang gulang  pero walang pagbabagong nangyari dito.