Ang Ilog ng Maputi

Itong lugar ng Maputi
ay isang barangay na doon makikita natin ang isang ilog na pinangalanang
TungodE Itong ilog na ito ay maganda at paborito ng mga bata, at mayroong
nakapalibot sa ilog na napakalaking bato na may hugis C at doon aakyat ang mga
bata at lulukso papunta sa tubig. Nag tagadoon sa Maputi ay doon maglalaba at
maliligo, kahit minsan mainit ang panahon ngunit malamig parin ang tubig sa
ilog.
Napakasaya ng mga bata na naglalaro sa ilog at
nagugustuhan nila ang ilog na to. Palagi silang pabalik-balik sa ilog lalo na
kapag bakasyon. Mayroon ding maliit na tulay sa ilog para daanan ng mga tao
papunta sa kabila lalo na kapag tag-ulan.
Noong
unang panahon, napakalalim ng tubig sa ilog na yon at napakasarap maligo kasi
napakalalim ng tubig. At doon sa ilog marami pang mga kahoy na nakapalibot sa
ilog. Napakalinis ang ilog na iyon kasi nanggaling yong tubig sa itaas ng
bundok, kaya gustong maliligo ang mga tao na pumupunta sa ilog.

